Hinikayat kahapon ni Quezon City Mayor Feliciano Belmonte ang mga may-ari ng mga negosyo sa lunsod na maagang magbayad ng lokal na buwis para mabigyan ng 10 porsiyentong diskuwento.
Sinabi ng alkalde na ipinagkakaloob ang diskuwento sa mga magbabayad ng buwis sa loob ng unang 20 araw ng Enero.
Layunin anya nito na manatiling business-friendly ang lunsod.
Kaugnay nito, hinabaan ang oras ng trabaho sa mga opisina ng pamahalaang-lunsod na may kinalaman sa pangongolekta at pagpapatupad sa kaukulang buwis.