Sputnik tinodas

Isang bangkay ng la­lakeng hinihinalang mi­yem­bro ng Sputnik Gang ang natagpuan sa gilid ng Rubina Road, Sierra Vista, Brgy.

Nagkaisang Nayon, Novaliches, Que­zon City kahapon ng ma­daling-araw. 

Kinikilala pa ng pulisya habang isinu­sulat ito ang biktima na may tattoo na “Sputnik Gang” sa katawan, may taas na 5’6”, nasa pagi­tan ng 30-35 anyos ang edad, at nakasuot ng t-shirt at maong na pan­talon.

Nagtamo ito ng tatlong tama ng saksak ng patalim sa dibdib at tiyan na sanhi ng kama­ta­yan nito. (Danilo Garcia)

Show comments