2 tauhan ng PEATC inireklamo

Hindi na tinulungan, tinak­bu­han pa.

Ito ang masaklap na nang­yari sa isang empleyado ng Phil. Star matapos na “alpasan” umano ng dalawang miyembro ng Public Estate Authority Toll­way Corporation (PEATC) ang driver na nakabangga sa kotse ng una sa Mia Road, Coastal, Parañaque City.

Maluha-luha si Abigail Adolfo, 35, ng Legarda St., BF Resort Vil­ lage, Las Piñas City matapos balewalain ng mga nag­­­paki­lalang PEATC en­forcers na sina Alex Baja at Jerome Canola ang paghingi niya ng tulong at alpa­san pa ang driver na naka­bangga sa kanyang kotse.

Ayon kay Adolfo, ang in­si­dente ay naganap noong Dis­yembre 23, 2008 dakong alas-12:30 ng hapon sa intersection ng Mia Road, Coastal , Roxas Blvd., Brgy. Tambo, Parañaque City kung saan nabangga umano ng isang multicab ang kanyang Nissan X-Trail na may plakang XLW-580.

Batay sa pahayag na ibini­gay ni Adolfo sa Parañaque City Police Office-Traffic Enforce­ment Unit, binabaybay nito ang Mia Road Extension na doon nahagip ng isang hindi naplaka­hang multicab ang kanyang sasakyan. 

Bunsod nito, mabilis umano niyang sinita ang di-nakilalang driver at sa puntong ito ay dumating sina Baja at Canola. Ilang Segundo umanong nag­karoon ng argumento sa pagi­tan nina Adolfo at ng nasabing di-nakilalang driver hanggang sa pinabalik na ang una sa kan­yang sasakyan.

Lingid sa kaalaman ni Adolfo ay umalis at tumakbo na umano ang driver ng multicab na naka­bangga sa kanya. Bunsod nito’y sinabi ng dalawang PEATC enforcers na hahabulin umano ng mga ito ang driver ngunit tatlong oras na ang nakalilipas ay hindi na umano siya bina­likan nina Baja at Canola sa naturang lugar.

Bago nga ito ay ilang minuto rin umanong nag-usap ang driver ng nasabing multicab at sina Canola at Baja. Bunsod nito’y nanawagan si Adolfo sa pamunuan ng PEATC na ga­wan ng kaukulang im­bes­tigas­yon ang dalawa nilang tauhan na sangkot sa ganitong katiwalian.

Show comments