2 milyon deboto dumagsa sa prusisyon ng Nazareno

Tulad ng inaasahan, hindi pa rin matatawaran ang   pag­dagsa ng libu-libong mga de­boto na nakiisa sa pista ng Poong Nazareno simula pa ng misa ni Manila Archbishop Gau­dencio Cardinal Rosales hang­gang sa iprusisyon ito mula Luneta hanggang sa maipasok ito sa Simbahan ng Quiapo.

Tinatayang umaabot sa 2 milyon katao ang dumating sa Quirino Grandstand at sa Quiapo. Bukod pa ang mga naghintay sa mga dinaanang ruta.

Nagsisimula pa lamang ang prusisyon nang mag-umpisa na ring maghilahan ng lubid ang mga deboto na nani­ niwala na may ibibigay sa kani­lang mi­lagro ang pagha­wak ng anu­mang bagay na nag-uugnay sa kanila at sa imahe ng Nazareno.

Sa kalagitnaan ng prusis­yon ay nagkaroon ng tensiyon ma­tapos na iligaw ng mga deboto ang Poong Nazareno sa dati nitong ruta. Nabatid na ginamit pa rin ng ilang mga nag­tutulak ng karosa ang lumang ruta ba­gama’t nagpalabas na ng bagong ruta ang parokya ng Quiapo church sa layuning ma­iwasan ang anumang disgrasya.

Nabatid na tumiwalag ang karosa ng Nazareno sa maha­bang prusisyon at sa halip na dumiretso papunta sa Plaza Sta. Cruz, paikot sa Ronquillo, Rizal Avenue, Recto at kaka­ liwa sa Legarda, kakanan sa Arlegui, papunta sa Quezon Boulevard at saka papasok sa Simbahan ng Quiapo ngunit bigla itong kuma­nan sa Carlos Palanca at duma­an sa lumang ruta ng prusisyon na ang pinakahuling lugar na dinaanan ay ang ilalim ng Quiapo.

Sanhi nito, nagulo ang monitoring system ng MPD sa pru­sisyon, dahil nawala sa rutang dapat na daanan nito ang Itim na Nazareno at du­mami ang prusisyon, na nagta­pos naman lahat sa simbahan ng Quiapo.

Malaking bilang ng deboto ang dismayado, dahil hindi dumaan sa itinakdang ruta ang imahe ng Itim na Nazareno na kanilang inaabangan.

Kapansin pansin din ang may 100 replica ng Nazarene ang lumahok sa prusisyon na mula pa sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at mula sa lala­wigan ng Cavite at Rizal.

Dakong alas-9:15 naman nang tuluyang sinara ang ka­ha­baan ng Taft Avenue patungong Mc Arthur kung saan dadaan ang Nazareno. Apek­tado din ang Rizal Ave. at Que­zon Blvd. na unang inihayag na pag-iiku­tan ng imahe.

96 SUGATAN

Umaabot naman sa 96 ang naitalang sugatan sa pista ng Nazareno. Ang mga ito ay nasu­gatan at nadaganan bunsod ng pakikipaghilahan sa prusisyon. Isa din ang naiulat na nabalian ng buto sa balikat na dinala sa Philippine General Hospital. 

Habang isinagawa ang misa sinabi ni Dr. Evelyn Morales ng Manila Health Department ng Gat. Andres Bonifacio na uma­abot sa 112 ang nahi­ matay at iilan din ang duma­nas ng suffered hypertension, pag­kahilo at pananakit ng tiyan sa dami ng tao.

Isa sa mga naipit sa karosa ay nakilalang si Iris Balano. Sa kabutihang palad ay mabilis itong nakuha.

Show comments