2 patay sa barilan

Dalawang lalake ang nasawi sa magkahiwalay na pamamaril sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang mga biktima na sina Nildo Turtona, residente ng Kasiyahan street, Brgy. Old Balara at si Perfecto Amistad, residente ng Commonwealth Avenue, Brgy. Manggahan, ng naturang lungsod.

Dakong alas-10 ng gabi nang tambangan ng mga hindi nakilalang suspek si Turtona habang naglalakad kasama ang isang hindi nakilalang babae sa may Villa Beatriz street, Brgy. Old Balara.

Sakay ng isang Toyota Revo ang dalawang suspek na huminto sa tapat ng dalawa at binistay ng bala ang biktima. Hindi naman nasaktan sa insidente ang babae na itinago muna ang pagkakakilanlan.

Nauna dito, naglalakad rin sa may Commonwealth Avenue nang barilin rin ng mga hindi nakilalang suspek si Amistad na natagpuan na lamang ng mga residente na duguan at wala nang buhay sa kalsada. (Danilo Garcia)

Show comments