Helper nakabangga ng texter, tinodas

Isang binata ang si­nak­sak at napatay ng isang lalakeng nabangga niya habang nagte-text ito sa cellphone nito sa Tondo, Manila kahapon ng umaga.

Nalagutan na ng hini­nga nang maisugod sa Gat Andres Hospital ang biktimang si Wilmer Lu­ma­­­bao, stay-in helper sa isang pamilya Tan sa 993-C Sto. Cristo St., Tondo.

Isang hindi nakilalang suspek na sinasabing nakasuot ng pulang sando ang nakitang su­maksak sa biktima. Pinaniniwalaang ma­tansero o manganga­tay ng baboy sa palengke ang suspek na mabilis tumakas matapos ang pananaksak.

Iniulat ni Det. Paul Dennis Javier ng Manila Police District -Homicide Section na, dakong alas-9 ng umaga nang maka­sa­­lubong ng biktima ang suspek sa panulukan ng El Cano at Santo Cristo Streets sa Divisoria.

Nabangga ni Luma­bao ang suspek na abala noon sa pagtetext na naging dahilan para bumagsak ang cellphone nito sa lupa.

Nabatid na nagma­madaling naglalakad ang biktima upang bumili ng itlog at nang pabalik sa puwesto ng amo ay nakabangga ang sus­pek. Nagalit ang suspek sa kabila ng paghingi umano ng paumanhin ng biktima sabay na pinulot ang kanyang cellphone. Kasunod nito ang pag­bunot umano ng kutsilyo na may 13 pulgada at ma­bilis na itinarak sa biktima.

Nakaabot pa sa pu­wes­to ng amo ang bik­tima habang duguan kung saan ito tuluyang human­dusay at isinugod sa pagamutan.

Show comments