Granada napulot ng paslit

Isang MK-2 fragmentation grenade ang na­pulot ng isang 8-taong gulang na batang lalaki habang nag­lalaro sa tapat ng kanilang bahay sa Sta. Cruz, May­nila, ka­ma­ka­lawa ng umaga.

Ayon sa pulisya may kapasidad pa umanong sumabog ang granada kaya inilipat agad ito sa MPD-Explosive and Ordnance Division para sa safekeeping. Nabatid na dakong alas-11:00 ng umaga nang ireport ng reti­radong si SPO4 Re­nato Prado ang na­pu­lot na gra­nada ng batang si John Dave, ng Nativi­dad St., Sta. Cruz, Maynila.

Nagtataka ang ma­gu­lang ni John kung bakit ini­lagay ito sa tapat ng kani­lang bahay na na­kasilid sa isang kahon na may tatak na “Brakkar Moir” , balot pa ng masking tape, na ina­kala nilang pa­bango ang laman. (Ludy Bermudo)

Show comments