Bumalik sa crime scene, todas

Nasawata na ng mga ba­rangay tanod ang isang riot subalit bumalik pa ang 24-anyos na lalaki at muling nag­hamon ng away na iki­nasawi nito matapos sak­sakin ng kalabang grupo sa Sta Ana, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Patay na nang maipasok sa Ospital ng Maynila Medical Center ang biktimang si Dick Bela, alyas “Puknoy”, may-asawa, ng #562 Int.2, Pasig Line, Sta Ana. Pinag­ha­hanap na ng pulisya ang suspect na si Ryan Racuya, 19, ng 2575 Tejeron St., Sta Ana.

Bago ang insidente, na­sangkot ang biktima sa riot at nasugatan ang suspek subalit natigil ang gulo nang umentra ang mga barangay tanod.

Ilang oras na ang lumi­pas nang balikan ng biktima ang lugar at inabutan ang sugatang suspek at hina­mon ito. Hindi akalain ng biktima na armado na ang suspek ng patalim na ipina­naksak sa kanya. (Ludy Bermudo)

Show comments