2 patay, 14 sugatan sa banggaan

Dalawang tao ang nasawi habang 14 pa ang nasugatan sa magkahiwalay na aksi­dente ng bus na sumalpok sa isang konkretong poste sa Barangay Holy Spirit at sa ka­rambola ng tatlong sa­sakyan sa West Avenue ka­hapon sa Quezon City.

Sa ulat ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit, unang naganap ang banggaan ng isang tricycle, kotse at jeep dakong ala-1:05 ng madaling-araw sa West Avenue na ikinasawi ni Ed­gardo Chico, 36-anyos, tricycle driver, habang sugatan naman si Christopher Ca­lawod, 19-anyos, residente ng Sta. Ana, Maynila.

Dakong alas-9:00 naman ng umaga nang bumangga ang isang Robino Elena Bus unit, na minamaneho ng sumu­kong suspek na si Joel Bacas, sa isang konkretong poste ng kuryente sa Don Mariano Marcos Avenue, Brgy. North Fairview.

Nasawi dito ang 32-anyos na si Michael Franka, emple­yado ng Quezon City Hall. (Danilo Garcia)

Show comments