Hindi nagbigay ng pang-toma, tinarakan

Kritikal ang isang binata nang tusukin   ng icepick ng kan­yang kapitbahay na nairita matapos na hindi na­bigyan ng pang-toma ng una, kamakalawa ng gabi sa Navotas.

Nakilala ang biktima na si Wilson Galit, 35, ng Duhat St., Pitong Gatang, Sipac ng nabanggit na lungsod. Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspect na si Oscar Monzano na kalugar ng biktima.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-10 ng gabi nang unang hara­ngin ng suspect ang biktima sa Duhat St., at hiningan ng pang-inom. 

Hindi naman nagbigay ang biktima at sa pagtalikod nito ay tinusok ito ni Monzano ng icepick bago tumakas. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments