Zoo sweeper naputukan

Isang 33 anyos na sweeper ang namatay nang aksidenteng tamaan sa dibdib ng bala nang pumu­tok ang ipinatong sa mesa na service firearm ng isang guwardiya sa loob ng security office ng Manila Zoo, sa Malate, Maynila kamaka­lawa ng hapon.

Hindi na umabot ng buhay sa Ospital ng May­nila ang biktimang si Alfredo Delos Reyes, alyas “Hapon,” binata, ng #374 Matiisin St., Tondo, Maynila.

Boluntaryong sumuko sa pulisya ang suspek na si Ri­cardo Generoso, 33, may asawa, ng Manila Security Force at nakatalaga sa Manila Zoo.

Nagkukuwentuhan pa umano sina Delos Reyes, Generoso at karelyebo nitong guwardiya na si Om­bao Romo sa loob ng security office nang alisin ng sus­pek sa holster nito at ipatong sa lamesa ang kalibre .38 baril upang i-turn over.

Hind akalain ni Generoso na puputok ang baril na uma­no’y aksidenteng tuma­ma sa biktima. (Ludy Bermudo)

Show comments