Kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya ang pagka matay ng 28-anyos na binatang si Julius Bacula na natagpuang nakabitin sa isang puno ng aratilis sa panulukan ng Que Grande at Bernardino Sts. sa Brgy. Ugong, Valenzuela City kahapon ng umaga.
Nabatid sa mga kaanak ni Bacula na huling nakitang buhay ang biktima sa pagitan ng ala-1:30 hanggang alas-2 ng madaling-araw kung saan ay nakatambay ito malapit sa pinagkakitaan ng bangkay nito.
Ayon pa sa mga residente sa naturang lugar, una nilang inakala na nakaluhod lamang ang biktima sa puno ng aratilis ngunit makalipas ang ilang sandali ay isa sa mga ito ang lumapit sa katawan ni Bacula dahilan upang malaman na wala na itong buhay. Naniniwala ang mga kaanak nito na sinadya itong patayin dahil nang matagpuan ang bangkay ay nakahulod pa si Bacula sa lupa habang nakabigti sa kung saan ay ginamitan ng plastic straw. (Lordeth Bonilla)