Maka-Pacquiao patay sa suntok ng dela Hoya fan

Isang 59-anyos na tourist guide ang namatay matapos abutin ng suntok ng isang natalong legal staff sa pustahan ng laban nina Manny Pac­ quiao at Oscar de la Hoya matapos ang matinding kanti­yawan, sa Malate, May­nila, kama­kalawa ng hapon.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Ospital ng May­nila Medical Center ang biktimang si Renato Vis­caya, alyas “Rene”, ng Kalinisan St., Bgy. Commonwealth, Quezon City sanhi ng tinamong bugbog sa mukha.

Kusa namang sumuko sa pulisya ang suspect na si Vince Dinglasan, alyas “Abogado”, legal staff ng   Mambog, Bacoor Cavite.

Sa ulat ng pulisya, dakong ala-1:20 ng hapon nang maganap ang insi­dente sa compound ng Sining Filipino Complex sa harapan ng Land Bank Building sa Mabini St., Malate.

Nabatid na nairita ang suspect nang kantiyawan siya ng biktima kung bakit kay De la Hoya pumusta na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Tinadyakan umano ng biktima ang suspect na gumanti ng malakas na suntok sa mukha ng bik­tima hanggang sa tu­mumba ang huli at na­walan ng malay kaya isi­nugod sa ospital, kung saan ito tuluyang binawian ng buhay.

Show comments