Caloocan naghigpit sa government cars

Sususpindihin sa trabaho ang sino mang kawani ng pamahalaan na gagamit ng sasakyan sa hindi opisyal na lakad o gagamiting personal na naging sanhi nang pag-aaksaya ng gasolina.

Pinaigting kahapon ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang pagtitipid ng gasolina sa pama­halaang-lokal.

“Kailangan nating masiguro na ang bawat opisyal at kawani ay hindi gagamitin ang mga sasakyan para sa kanilang personal na interes,” pahayag ng alkalde.

Ipinaliwanag din ni Echiverri na maaari lamang gamitin ang mga sasakyan ng gobyerno sa mga opisyal na lakad, kapag sakop ng tinatawag na office hour at kapag may kaukulang trip ticket bilang bahagi ng travel. (Lordeth Bonilla)

Show comments