P.6-M tangay sa Bayad Center agent

Hinoldap ng tatlong hindi nakikilalang lalaki ang isang sales agent ng Bayad Center habang ang una ay nagla­lakad upang magdeposito sa bangko ng halagang tina­tayang mahigit sa P.6 million kamakalawa ng hapon sa Valenzuela City. Ayon sa biktimang si Brian Comandao, 32, sales agent ng Bayad Center ng BBB Branch, dakong alas-3:45 ng hapon habang naglalakad siya sa A. Fer­nando St., Brgy. Marulas ng nabanggit na lungsod upang ideposito sa Banco de Oro ang collection na P678,000 nang tabihan siya ng puting taxi na may plakang TWP-708 at sakay dito ang mga suspek. Isa sa mga suspek ang agad na bumaba at tinutukan siya ng baril bago sapilitan isinakay sa taxi at mabilis na pinasi­bad. Habang tumatakbo ang taxi ay kinuha ng mga sus­pek ang dalang pera ng biktima, wallet, relo at cell phone bago ito ibinaba sa Arty Subdivision, Brgy. Marulas ha­bang mabilis namang tumakas ang mga suspect. (Lordeth Bonilla)

Show comments