Doktor itinumba?

Patuloy na iniimbestigahan ng Quezon City Police ang ugat ng pagkamatay ng isang doktor makaraang matagpuan ang labi nito sa kanyang bahay kahapon sa Quezon City. Kinilala ang biktimang si Dr. Darwin Soriano, 59-anyos, may-asawa ng #36 Dalaya Town Homes Brgy. San Roque Quezon City. (Angie dela Cruz)

Sinaksak habang tulog

Isang 43 anyos na tinderong si Jimmy Baladiang ang sinaksak hanggang mapatay ng hindi pa nakikilalang salarin habang natutulog siya sa isang parking area sa Barangay Philam sa Quezon City ka­hapon ng madaling-araw. Galing umano sa mag­hapong pagtitinda ang biktima at naisipang magpa­hinga muna siya sa naturang lugar nang bigla na lamang sumulpot ang suspek saka siya sinakyod ng saksak ng isang beses sa kanang dibdib. (Angie dela Cruz)

Show comments