Napatay ang isang miyembro ng Philippine Navy samantalang sugatan ang kasama nito matapos silang barilin ng isang opisyal ng Philippine Coast Guard sa naganap na rambulan sa loob ng isang videoke bar kahapon ng madaling-araw sa Binondo Maynila.
Namatay habang ginagamot sa Gat Andres Bonifacio Hospital sanhi ng isang tama ng bala ng baril sa dibdib ang biktimang si SIRM Arnel Villacillo, may-asawa, nakatalaga sa Task Force Sea Marshal, NCP Parola Compound, Binondo.
Sugatan naman si PO3 Glenard Mendoza, 30, binata, miembro ng PN at nakatalaga sa TFSM sanhi ng tama ng bala sa balikat. Ginagamot naman sa Ospital ng Maynila ang suspek na si 1st Lt Euphraim Jayson Diciano, 27, ng 156 Catanggaman Nuevo, Tuguegarao City, Cagayan dahil sa tinamong bugbog sa katawan.
Patuloy namang niimbestigahan ng Manila Police District-homicide section, sina Seaman 1st Class Jayson Esteban,29, ng Libis St., Guyong, Sta. Maria Bulacan; Seaman 1st Class Ronald Villuan, 28, ng #14 Lapug Roaπd, Tangui San Fernando City La Union at Mendoza, pawang mga miyembro ng PN at nakatalaga sa TSFM.
Nag-iinuman sina Villuan, Mendoza at Esteban sa isang videoke bar sa Binondo. Nauna umanong umalis si Agaran subalit dumating naman ang biktima at sumama sa inuman ng dalawang kasamahan nito.
Makalipas ang ilang minuto, dumating naman ang suspek kung saan mag-isang uminom sa isang lamesa sa kaliwang bahagi ng lamesa ng grupo ng biktima
Sa hindi binanggit na dahilan ay lumabas ang suspek subalit muling bumalik ito na may hawak nang kalibre 40 pistol at naghamon sa loob ng videoke bar at nagsabing “Anong problema?” Napikon umano ang group ng biktima at pinagtulungang bugbugin si Diciano. (Gemma Amargo-Garcia)