Lolo binoga

Isang 63-anyos na lolo ang binaril at napatay sa loob ng kaniyang bahay, sa Quiapo, Maynila, ka­ma­kalawa ng hapon. Ki­nilala ang biktimang si Ibrahim Amir, residente ng Islamic Center, San Mi­guel, Manila. Malabo na­mang matukoy ang sala­rin o mga salarin dahil ni­linis na ang crime scene ng mga kababayan nito bago pa man dumating ang mga imbestigador. (Ludy Bermudo)

Show comments