19-taon sa ginang na 'tulak'

Hinatulan ng korte ng hanggang 19 na taong pagkakabilanggo ang isang ginang matapos itong mahulihan ng isang gramo ng shabu   noong isang taon sa Pasig City. 

Bukod sa pagkakakulong ay inatasan din ni Judge Librado Correa ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 164 ang akusadong si Glaiza Santos na magbayad ng P320,000 bilang multa.

Sa anim na pahinang desisyon, napatunayan ng korte na matibay ang ebidensiyang inilatag ng prosecution panel laban kay Santos.  

Base sa rekord si Santos ay nadakip noong Hunyo 11, 2007 sa Barangay Rosario, Pasig ng mga miyembro ng Anti-illegal Drugs Special Operation Task Force ng Pasig City Police. (Edwin Balasa)

Show comments