Pisak ang ulo ng 3-anyos na batang babae nang masagasaan ng malaking gulong ng isang trailer truck, habang naglalaro, sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga. Dead-on- the-spot ang biktmang si Geraldine Gomez, ng Capulong Highway, Tondo, Manila, bunga ng pagkadurog ng bungo.
Hawak na ng pulisya ang suspect na si Reggie Wacay, driver ng trailer truck at residente ng Area H, Gate 3, Parola Compound, Tondo, na sinasabing sumuko kaagad sa awtoridad. Ayon sa ulat, dakong alas-8 ng umaga nang maganap ang insidente sa harapan ng bahay ng biktma sa Capulong Highway.
Nabatid na habang naglalaro ang bata ay napunta ito sa tabi ng gulong ng nakaparadang trailer. Hindi umano aka lain ng driver na may bata sa ilalim ng truck kaya nang iatras niya ito ay nagulungan ang bata sa ulo. Nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide ang suspect. (Ludy Bermudo)