7 trabahador patay sa sunog

Pitong trabahador ang nasawi nang masunog   ang pinagtatrabahuhan at tinitirhan din nilang furniture warehouse sa Man-da­luyong City kahapon ng ma­daling-araw.    

Ayon kay F02 Victorio Tablay, arson investigator, dakong alas-12:52 ng ha­ting­gabi nang magsimu­lang masunog ang dala­wang palapag na FCI Fur­niture Constractors Inc. na matatagpuan sa No.6 Flo­rante st. Barangay Plain­view ng nabanggit na Lung­­sod.

Nakuha sa loob ng na­sunog na bodega ang ka­tawan ng mga bik­tima na ayon sa mga bum­bero ay hindi na makilala dahil sa pagkakasunog ng mga ito.

“Hindi pa sila talagang makilala kasi charred beyond recognition na ang kanilang mga katawan” paliwanag ni Tablay.

Sa ginawang imbesti­gas­yon ni Tablay sa may-ari ng nasabing Furniture warehouse na si Elizabeth Uy, pito sa kanyang mga ta­uhan ang nawawala na po­sibleng ito na ang mga bik­tima na nakilalang sina Marnelli Marquez, Amante Marquez, Gellie Lalacban, Lumina Serada, Anenita   Mar­quez, Sofie Gabriel, at Cris­tina Piedad. Ang mga ito ay pawang mga stay in workers ng nasabing paga­waan.

“Hindi natin pwede pang ikumpirma na ang pitong pangalan ang siyang mga nasawi pero sa ngayon sila ang ibinigay na pangalan ng may-ari, kasi syempre sila yung nawawala, at higit na kilala ni Mrs. Uy ang mga tauhan niya na naiiwan sa loob ng warehouse,” pali­wa­­nag ni Tablay.

Natutulog ang mga tau­han ng pagawaan ng bigla na lang magliyab ang unang palapag ng gusali at dahil sa dami ng nakaimbak na kahoy, tela at mga foam na gamit sa paggawa ng mga kasangkapan ay mabilis ang naging pagkalat ng apoy.

Ilang mga stay in workers pa ng pagawaan ang nakaligtas sa sunog subalit sinawing-palad na maku­long ang pitong biktima sa nagliliyab na pagawaan.

Dakong alas-3:25 na ng mgadaling-araw nang idek­larang fire out ang sunog na umabot sa ikaapat na alarma at mahigit sa P2 mil­­yon ang halaga ng mga ari-ariang naabo dito.

Lumalabas sa gina­wang imbestigasyon ng Manda­luyong Bureau of Fire and Protection posib­leng maling koneksyon sa kuryente ang pinagmulan ng sunog.

Tinitingan din ng Man­daluyong fire ang kakula­ngan sa maayos na fire exit ng nabanggit na warehouse.

Show comments