Tindahan ng lechon manok, natupok

Bukod sa nalitsong mga manok, kasamang natupok ang mismong tindahan nito sa sunog na naganap kahapon sa Valenzuela City. Batay sa ulat, dakong alas-8:45 ng umaga nang magsimula ang sunog sa stall ng Baliwag Lechon Manok sa Malinta Exit. Maysan Rd., Paso de Blas ng nabanggit na lungsod.

Makalipas ang kalahating oras ay naapula naman ang apoy kung saan inaalam pa kung magkano ang halaga ng ari-ariang natupok dito. Wala naman naiulat na nasawi o nasaktan sa nasabing sunog, habang inaalam na kung ano ang pinagmulan ng apoy na pinag-ugatan ng insidente. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments