Nakialam sa away, tinarakan

Malubhang nasugatan ka­hapon ng madaling-araw ang isang 33-anyos na lalaki maka­raang masaksak nang maki­alam sa pagtatalo ng kaibigan nitong waiter at isang kustomer sa loob ng isang bar, sa Quezon City. Nasa ligtas na namang ka­lagayan sa East Avenue Me­dical Center ang biktimang si Jerome Mendoza, ng Brgy. South Triangle, ng naturang lungsod.

Naganap ang insidente dakong alas-3:10 ng madaling araw sa loob ng Daungan Res­taurant Bar sa Panay Avenue ng naturang lungsod. Nabatid na nakialam umano ang biktima sa nagaganap na pagtatalo ng kaibigan nitong waiter ng natu­rang bar sa isang hindi nakila­lang kustomer. Dito nagalit ang suspek na kostumer na nag­labas ng patalim at pinagsa­saksak si Mendoza. Mabilis namang tumakas ang suspek matapos ang kanyang pana­nak­sak habang isinugod ng mga tauhan ng bar ang biktima sa pagamutan. (Danilo Garcia)

Show comments