Sanhi ng hindi makayanang patung-patong na problema, isang binata at isang dalagita ang nagbigti sa loob ng kanilang kuwarto sa magkakahiwalay na insidente sa Caloocan at Valenzuela City kahapon ng madaling-araw. Bandang alas-5 ng hapon nang madiskubre ng kanyang ina ang biktimang si Joey Majellano, 38, ng Landasca St., Caloocan City na nakabitin at wala nang buhay sa loob ng silid nito kung saan gumamit ito ng lubid. Bandang alas-3:30 ng madaling-araw nang matagpuang nakabigti sa loob ng kanyang kuwarto si Daisy Mae Solidum, 15, ng Paso de Blas, Valenzuela City. Iniwan ng biktima ang isang suicide note na nakasaad ang katagang “Mama ayaw ko na, I love you so much.” (Lordeth Bonilla)