Binata todas sa kangkong

Isang binata ang binaril at napatay ng kanyang kainu­man matapos magtalo sa tanim na kangkong sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Nalagutan na ng hininga nang maisugod sa Valenzuela General Hospital sanhi ng tama ng bala sa mukha ang biktimang si Noel Toledo, 31, ng Sitio Ibaba, Bignay ng lungsod na ito.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na si Rodrigo Del Rosario, 30, at kalugar ng biktima.

 Sa ulat ng pulisya, alas-7 ng gabi, nag-iinuman ang biktima at ang suspek kasama ng ilang kaibigan sa nasabing lugar nang magtalo sina Toledo at Del Rosario.

Kinuha kasi ng isang pamangkin ni Del Rosario ang tanim na kangkong ni Toledo.

Kasunod ng pagtatalo, umuwi sa kanyang bahay ang suspek bago binalikan ang biktima at pinagbabaril ito. (Lordeth Bonilla)

Show comments