2 miyembro ng hold-up gang, timbog

Dalawang miyembro ng kilabot na grupong ‘Cagoco Robbery Hold-up Gang’ ang na­timbog ng Quezon City Police sa isinagawang ope­ras­yon ng pulisya sa Quezon City.

Nakilala ang mga suspek na sina Edgar Mellama, alyas “Tolikoy”, 33; at Ramil Relos, 22, alyas “Kenny”, at residente ng San Rafael-2 Noveleta Cavite.

Base sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investi­ gation and Detection Unit (QCPD-CIDU) , ang mga suspek ay natunton ng mga pulis dakong alas-2:45 ng hapon sa may Bagbag Nova­liches ma­tapos na ituro ng impormante ang kuta ng mga ito. Nakuha ng mga awtoridad ang isang .38 caliber pistol kay Relos, ha­ bang isang MK-2 fragmen­tation grenade ang nakum­piska naman kay Mellama.

Sinasabing ang mga sus­pek ang siyang nasa likod ng mga holdapan sa Metro Manila at sa iba pang lalawi­gan at ang modus operandi ng mga ito ay ang magpakila­lang mga alagad ng batas gamit ang mga unipormeng may mga tatak na PNP, AFP, PDEA at NBI.

Iniulat din na may warrant of arrest sa kasong carnap­ping at robbery hold-up si Relos at murder at illegal possession of firearm naman si Mellama. (Angie dela Cruz)

Show comments