Bumagsak sa pinagsanib na elemento ng pulisya at intelligence operatives ng Armed Forces of the Philippines ang isang lider ng rebeldeng New People’s Army na sangkot sa Leyte mass killings noong 1985 sa isinagawang operasyon sa Amparo Village, Caloocan City, ayon sa opisyal kahapon.
Kinilala ni AFP-Public Information Office Lt. Col. Ernesto Torres ang nasakote na si Norberto Murillo alyas Ka Norly / Ka Namu, 55-anyos.
Si Murillo ay nahaharap sa 15 counts ng multiple murder na isinampa sa Branch 18 ng Hilongos, Leyte Regional Trial Court na inilipat sa Branch 32 ng Manila RTC. Bukod dito nahaharap rin sa dalawang kaso ng pagpatay si Murillo sa Leyte Provincial Prosecutor’s Office. (Joy Cantos)