2 kelot niratrat habang nagte text

Dalawa katao ang namatay nang resbakan at pagbabarilin ng may apat na hindi naki­kilalang armadong kalalakihan na pinaniniwalaang kanilang naka­away   sa Quezon City.

Idineklarang dead on arrival sa East Avenue Medical Center (EAMC) sanhi ng tinamong mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang parte ng katawan ang mga biktimang sina Rommel Malate, 20; at RJ Barbosa, 19, kapwa residente ng San Gabriel St., Brgy. Batasan Hills, QC.

Inaalam pa ng pulisya kung sino ang may-ari ng isang light blue na Toyota Revo na sinak­yan ng mga suspek sa pagtakas matapos ang krimen. Hindi naman muna ibinunyag ng pu­lis­ ya ang plaka ng sasakyan upang mabigyang daan ang pag­sasagawa ng imbes­tigasyon.

Sa pagsisiyasat ng Quezon City Police District-Criminal In­vestigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), dakong alas -10 kamakalawa ng gabi nang ma­ganap ang insidente sa San Gabriel St. , Brgy. Batasan Hills, Quezon City. Bago rito, nag-tetext pa umano ang dalawang biktima   nang biglang dumating ang mga suspek.

Sa hindi pa malamang da­hilan, bigla na lamang bumaba ang mga suspek sa kanilang sasakyan bago pinagbabaril sina Malate at Barbosa at saka agad tumakas ang mga suspek.

Hindi pa mabatid ng pulisya kung ano ang motibo sa natu­rang krimen, gayunman malaki ang kanilang paniwala na posibleng niresbakan ang mga ito ng kanilang nakaaway. (Angie dela Cruz)

Show comments