3 billboard bumagsak: 4 katao sugatan

Apat katao ang nasugatan makaraang mabagsakan ng tatlong billboard na bumigay dahil sa malakas na hangin kahapon sa Quezon City.

Nakilala ang mga nasuga­tan na sina Allan Madredejos, 34; Gerry Alano; Mercy Alano; at Mary Joy Orosco.

Sa inisyal na ulat ng Que­zon City Police District (QCPD), na­ganap ang in­si­ dente dakong alas-3 ng hapon sa southbound lane ng EDSA malapit sa San­tolan flyover.

Nabatid na unang bumag­sak ang dalawang billboard sa tapat ng St. Jude Transit ter­­mi­nal. Sumunod naman ang pag­­bag­sak ng isa pang bill­board hindi kalayuan. Tina­maan ng mga bill­board ang mga pasahero na naghihintay ng ma­sasakyang bus at mga tindero sa natu­rang terminals.

Dahil sa insi­dente, na­walan ng suplay ng kur­­yente sa na­turang lugar ma­tapos na masira rin ang mga kable ng kuryente na nadamay sa pag­bagsak ng mga bill­board.

Habang isinusulat ito, pa­tuloy pang inaalam ng pulisya ang pinsalang natamo ng mga biktima habang inaalam din ang contractor at may-ari ng nag­­bag­sakang billboards upang ma­panagot sa natu­rang in­sidente.

Show comments