Mensahero dedo sa 'titig'

Isang 28-anyos na mensaherong si Jeffrey Marizeta ang pinagtulu­ngang saksakin hanggang mapatay ng isang grupo ng nag-iinumang kalala­kihan na natitigan niya sa Sampaloc, Manila kaha­pon ng madaling-araw.

Nadakip naman ang ilang suspek na sina Cesar Gomez, 24, binata, negos­yante at Jim Bryan Hono­rato, 19, estudyante, kap­wa residente sa naturang lugar.

Nagsimula ang insidente nang mapatingin ang grupo ni Marizeta sa grupo ng mga suspek hanggang kantyawan ng huli ang una.

Napikon ang mga suspek sa titig sa kanila nina Marizeta hanggang saksakin nila ito. (Ludy Bermudo)

Show comments