Kalansay, garand at mortar nahukay

Isang kalansay,garand at mortar ang nahukay sa compound ng Department of Tourism (DOT) kama­kalawa ng hapon sa Ermita, Maynila. Bukod sa kalansay ng isang di mabatid na kasarian ay nahukay din ang isang garand at mga mortar na hinihinalang noong pang panahon ng giyera. Base sa ulat ,dakong alas-3 ng hapon nang nahukay ang kalansay ng tao sa compound ng DOT sa Kalaw St., Ermita. Sa salaysay ng mga construction workers na sina Angelito Teves at Berth Picasio, kasalukuyan umano silang naghuhukay ng butas para sa ipapa­ tayong bakod nang mahukay nila ang kalansay ng tao kasabay ng isang M1 garand at mortar na hini­hinalang gamit pa noong nakaraang digmaan. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments