Car race: 1 patay, 1 sugatan

Isa ang patay, habang isa pa ang malubhang na­sugatan sa umano’y kare­rahan ng dalawang sasak­yan, kamakalawa ng gabi sa Las Piñas City.

Kinilala ang nasawi na si Ervin de Leon, 22, resi­dente ng Pandacan, Ma­nila, habang ang sugatan naman si Roger Roxas, 20, residente ng Pag-asa, Quezon City.

Batay sa imbestigas­yon ng pulisya, dakong alas-10:15 ng gabi nang mangyari ang nasabing insidente habang tinatahak ng sasakyang Honda Civic ni Roxas na may plakang WRE-427 ang kahabaan ng Ala­bang-Zapote Road, Talon II ng nabanggit na lungsod. Nabatid na papa­ uwi na umano si Roxas sa Pag-asa, Quezon City nang aniya’y mag-overtake umano sa kanya ang kotse ng nasawi na isa ring Honda Civic na may pla­kang CRH-859 at aksi­dente niya itong nasalpok sa tagi­liran na nagresulta upang bumangga ito sa pader.

Dahil sa lakas ng im­pact ng pagkakabangga sa pader ay parang latang nayupi ang sasakyan ng nasawi dahilan upang ma­pitpit ang katawan nito sa loob na nagresulta sa kan­yang agarang kamatayan.

Batay naman sa pag­su­suri ng Las Piñas Traffic Enforcement Unit, malaki ang kanilang hinala na nag­karera ang dalawang sa­sakyan base na rin umano sa tindi ng pagka­kayupi ng kotse ng na­matay na biktima. Gayun­man, nag­sa­sa­­gawa pa rin ng ma­susing imbestigas­yon ang awto­ridad ka­ugnay sa nasabing insi­dente. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments