Bangkay ng bata nalambat sa Ilog Pasig

Isang bangkay ng hindi pa kilalang bata ang nakuha ng isang mangingisda habang ina­anod ito sa kahabaan ng ilog Pasig sakop ng Brgy. Rosario kamakalawa ng hapon.

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-5 ng hapon nang ma­kita ng mangingisdang si Danilo Eustaquio ang na­sabing bangkay ng bata na tinatayang nasa edad 7-8 taong gulang na ina­anod sa ilog sa kahabaan ng Brgy. Rosario. Agad itong ipi­nag­bigay alam ng nakakita ng bangkay sa pu­lisya na mabilis namang rumes­ponde sa lugar.

Sa ginawang pagsisiyasat, lumalabas na mahigit na isang araw ng patay ang nasabing bata nagtutuklapan na ang mga balat nito dahil sa ma­tagal ng pagkakababad sa tubig, naka­ kita rin ng sugat sa may mukha ang pulisya dahi­lan upang su­ma­ilalim ito sa inis­yal na awtop­siya upang mala­man kung may foul play na naganap sa pagka­matay nito.

Posible rin umanong galing ang bangkay mula sa Marikina o karatig lugar sa San Mateo, Rizal na ngayon ay pansa­mantalang inilagak sa funenaria Quiogue. (Edwin Balasa)

Show comments