Japanese trader natagpuang patay

Isang naagnas na bangkay ng isang negosyanteng Hapones ang natagpuan bunga na rin ng nakakasulasok na amoy at pulutong ng mga bangaw sa bahay ng una, kahapon ng madaling-araw sa Las Piñas City. Dakong alas-12 ng madaling-araw nang madiskubre ang bangkay ng biktima na si Heroyuki Oka, sa loob ng bahay nito sa 6-C Tiongco St., Gatchalian Avenue, Gatchalian Subdivision, Manuyo 2, Las Piñas City. Hindi inaalis ng mga imbes­ti­gador ang anggulong panloloob sa biktima matapos madiskubre na gulung-gulo ang buong kaba­hayan pati na ang personal na kagamitan ng biktima na pinani­niwalaang matagal nang namatay. Napag-alaman na ang nakasusulasok na amoy ay unang ini­reklamo ng mga kapitbahay pati na ang mga langaw na nagli­liparan sa kanilang kapaligiran na nagresulta naman sa pagka­ka­tagpo sa naagnas na bangkay ng biktima. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments