P1M alahas itinakbo ng yaya

Kasalukuyang tinutu­gis ng pulisya ang isang 35 anyos na yaya na si Melanie Rodriguez ng Don Bosco, Tondo, Manila ma­tapos ireklamo ng pag­nanakaw sa P1 mil­yong halaga ng mga ala­has ng kanyang amo sa Barangay Concepcion, Malabon City kamaka­lawa.

Sinasabi ng biktimang si Maribeth Suzuki na, nang umuwi siya sa kan­yang bahay bandang alas-4:30 ng hapon, na­datnan niyang nag-iisa ang kan­yang anak at walang nag-aalaga.

Natuklasan ni Suzuki kinalaunan na nawawala na ang kanyang mga alahas sa lalagyan nito at nawawala na rin si Rodri­guez na yaya ng kanyang anak. (Lordeth Bonilla)

Show comments