Bisor ng internet cafe inatado

Isang internet cafe supervisor ang natag­puang patay makaraang pagsa­saksakin ito nang 31 ulit sa iba’t ibang parte ng kan­yang katawan ng hindi pa naki­kilalang sus­pek ka­hapon ng umaga sa Pasay City.

 Ang biktima na ki­nilalang si Bobby Bau­tista, 25, supervisor ng Island Internet Café na nasa Blue Wave Commercial Center, Diosdado Macapagal Boulevard sa nabanggit na lungsod ay natagpuang patay da­kong alas-8:15 sa na­sabing establisimiyento.

Batay sa imbestigas­yon ni PO3 Genomar Geraldino, may hawak ng kaso, nakabukas ang cash register ng cafe at tanging mga barya la­mang ang nasa loob nito. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments