Pulis, aide todas sa checkpoint

Isang pulis at isang aide nito ang namatay nang pagbabarilin ng mga armadong lalaking naka­motorsiklo sa isang checkpoint sa Quezon City kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni SPO1 Mario Toriano, im­bestigador sa kaso, ang mga biktima na sina PO3 Robert Lantojo, 33 anyos, residente ng Luzon Ave­nue, Barangay Culiat, Quezon City; at police aide volunteer na si Romeo Guiang, 49; ng Interior Road, Old Balara sa naturang lungsod din.

Nagbabantay sa checkpoint ang mga biktima sa kahabaan ng Zuzu­regue St. sa Old Balara nang du­maan ang mga suspek na lulan ng isang motorsiklo.

Sinita ng mga biktima at pina­baba sa motorsiklong walang plaka ang mga suspek na wala pang suot na helmet.

Akmang lalapitan ng mga biktima ang mga suspek subali’t bigla ang mga itong bumunot ng baril at pina­putukan ang nasorpresang sina Lantojo at Guiang.

Show comments