Newsboy todas sa bespren

Nang dahil lamang sa pikunan sa biruan naga­wang patayin ng isang 25-anyos na lalaki ang kan­yang itinuturing na bespren kahapon ng madaling araw sa Port Area, Maynila. Na­ kilala ang nasawi na si Alvin Asio, newsboy, na hindi na umabot pang buhay sa pa­gamutan sanhi ng tina­mong isang tama ng bala ng baril sa ulo. Pinag­ha­hanap naman ng pulisya ang suspect na nakilala lamang sa alyas Jimmy Topak ng Baseco Com­pound, Tondo, May­nila na mabilis na tumakas mata­pos ang isinagawang kri­men. Ayon sa ulat ng pu­lisya naganap ang insi­dente dakong alas-12:50 ng ma­daling-araw habang naki­kipag-inuman ang bik­tima sa may Baseco Compound nang biglang du­mating ang suspect at binaril ito nang malapitan sa ulo. Napag-alaman na dating mag-bespren ang dalawa pero noong naka­raang buwan ay nagka­lamat ang kanilang pagka­kaibigan makaraang mag­kapikunan sa biruan. Una nang hinabol ng saksak ng suspect ang biktima pero naka-iwas ito at kahapon nga ay nakakuha ito ng tiyempo at binaril ito sa ulo. (Ludy Bermudo)

Show comments