Bading tinarakan ng kapwa bading

Sugatan ang isang sinasabing bading ma­karaang saksakin ng kapwa nito binabae ma­tapos na mag-asaran sa hitsura nila kahapon ng madaling-araw sa Que­zon City.

Pinaghahanap na ngayon ng pulisya ang nakatakas na suspek na nakilala lamang sa alyas Narda, habang ginaga­mot naman sa East Avenue Medical Center (EAMC) ang biktimang si Angelo Chika resi­dente ng Broadway Avenue, New Manila.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Station 10, naganap ang insi­dente dakong alas- 3:45 ng ma­daling-araw sa Gumamela St., Brgy. Roxas, sa na­turang lungsod.          

Nabatid na kapwa na­kaistambay sa naturang lugar ang dalawang bina­bae nang mag-asaran. Sinabihan umano si Chika ng kasama na masyado itong pangit para maging bakla na gumanti naman ng pang-aasar. Dito nagka­pikunan ang dalawa na nagresulta sa sabu­nutan at kalmutan.

­ Dito nagbunot ng pa­talim si Narda at sinaksak si Chika sa braso at ka­ta­wan bago mabilis na tumakas. (Danilo Garcia)

Show comments