Haponesa timbog sa shabu

Huli sa akto ang isang Haponesa habang itina­tangkang ipuslit papala­bas ng bansa patungong Japan ang kulang sa kalahating kilo ng shabu sa Ninoy Aquino Inter­national Airport.

Iprinisinta ni Philip­pine Drug Enforcement Agency Director General Sr. Dionisio Santiago Jr. sa mamamahayag ang suspek na si Hitomi Hasegawa, 50-anyos, at naninirahan sa #273 Kumano-Sho, Aki-Gun, Japan.

Nadakip si Hasegawa dakong alas-12:40 kama­kalawa ng hapon sa NAIA Centennial Termi­nal 2 sa Pasay City.

Nabatid na dumaraan na ang suspek sa “Final Security Checkpoint 2” kung saan kinapkapan ito at nadiskubre ang isang plastic sachet na nagla­laman ng naturang iligal na droga. (Danilo Garcia)

Show comments