Salisi gang umatake

Pinag-iingat ng pu­lisya ang publiko laban sa mga salisi gang na bu­mi­ biktima ng mga ino­sen­teng tao para maka­ta­ngay ng salapi at alahas.

Ginawa ni Chief Ins­pector Reynaldo Pacu­lan ng Pasay City Police-Criminal Investigation Division ang babala maka­raang magkasunod na mabiktima ng salisi gang ang isang negosyante at estudyante na natanga­yan ng malaking halaga ng salapi, alahas at personal na kagamitan sa naturang lungsod.

Naunang nagreklamo kahapon ang unang bik­tima na si Doroliza Dorin­dez, 31, ng Montal­ban, Rizal, na nagsabing isang babaeng nagpaki­lalang “Evelyn” ang na­kipagkaibigan sa kanya sa Domestic Airport.

Dahil matamis mag­salita, nakumbinsi ni Evelyn si Dorindez na sumama sa kanya sa isang food chain. Habang kumakain, sumaglit si Dorindez sa isang rest room at dahil sa inakala niyang maganda ang kalo­oban ni Evelyn, ini­wan niya rito ang kan­yang shoulder bag na naglala­man ng P51,000 cash, 50 Korean Won, digital camera na nagka­ka­halaga ng P15,000, alahas na uma­abot sa ha­la­gang P45,000 at maha­halagang doku­mento. Nang bumalik siya sa upuan, wala na ang suspek at ang kan­yang bag.

Sumunod na nagrek­lamo si Cristy Cos, 16, ng naturang lunsod na kina­ ibigan din ng natu­rang sindikato. Isang babae na tinatayang nasa 35-45 anyos, 5’4”-5’6” ang taas, maputi, unat ang buhok at medyo may kagandahan ang hitsura ang nagpa­kilala kay Cos sa pa­ngalang “Baby”.

Kinaibigan din ng sus­pek ang biktima hang­gang matangay ng una ang alahas at salapi ng huli. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments