Tsinoy trader kinidnap na, binaril pa

Dinukot ng apat na arma­dong lalaki ang isang negos­yanteng Tsinoy na nagtamo ng tama ng bala sa katawan ma­tapos na barilin ng isa sa mga suspek nang pumalag ito, kama­­kalawa ng gabi sa Quezon City.

Nakilala ang biktima na si Kakuen Chua, 45 , may-ari ng Flash Hardware Store at nani­nirahan sa Tandang Sora Ave., Brgy. Tandang Sora, ng natu­rang lungsod.

Inilarawan naman ang apat na suspek na pawang armado ng matataas na ka­libre ng baril, nakasuot ng dirty white t-shirt na may tatak na “PULIS”. Lulan ang mga ito ng isang puting Toyota Corolla na hindi na nakuha ang plaka.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Station 3, na­ganap ang pagdukot dakong alas-12 ng ha­tinggabi sa harapan ng bahay ng bik­tima. Nabatid na kala­labas pa lamang ng gate ng kan­­yang bahay ang bik­tima at pa­ sakay na ng kan­yang kot­seng Toyota Altis (ZCU-286) nang sumulpot ang mga sus­pek at sapilitan itong kina­ladkad.

Nanlaban naman ang bik­tima sanhi upang paputukan ito ng isa sa mga salarin. Dito na nagawang maisalya pa­pasok ng kanilang sasakyan si Chua at mabilis na tuma­kas patu­ngong direksyon ng Min­danao Avenue. Nabatid rin na isang taxi ang nag­silbing back-up ng get-away vehicle ng mga salarin.

Hanggang isinusulat ito, hindi pa nakakatanggap ng impormasyon ang pulisya bu­hat sa pamilya ng biktima sa sinapit nito. Hindi naman ma­batid kung kumontak na ang mga kidnaper at kung humingi na ang mga ito ng ransom money.

Show comments