Patuloy na banta sa bansa ang bagyong Marce samantalang nagpapakita ng pananatili ng lakas habang nasa may karagatan.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), alas-10 ng umaga kahapon ay namataan ang mata ng bagyo sa layong 240km silangan ng Basco, Batanes.
Taglay pa rin nito ang lakas na hangin sa bilis na 140 kilometro bawat oras (kph) at pagbugso ng hangin sa lakas na 170 kph at kumikilos ng pahilaga hilagang-kanluran sa bilis na 11 kph.
Ngayong araw ng Huwebes, ang bagyo ay nasa layong 3000 km hilagang-silangan ng Basco, Batanes, Northern Luzon at sa araw ng Biyernes ay nasa layong 579 kilometro hilagang-silangan ng Basco, Batanes o 380 kilometro silangan ng Northern Taiwan.
Bunsod nito ay makakaasa pa rin ng pag-ulan ang mga lalawigan ng Babuyan at Batanes Group of Islands kung saan nakataas pa rin ang signal no. 2 dito habang signal no. 1 naman sa Cagayan at Apayao.
Samantala, ang Kalakhang Maynila ay patuloy na maaapektuhan ng bagyong Marce na paiigtingin ang pag-ulan bunsod ng hanging habagat. (Angie dela Cruz)