Upang maibsan ang iba’t ibang uri ng krimen at pamamayagpag ng mga kriminal , pinatindi ni Quezon City Mayor Feliciano “SB” Belmonte ang proyekto sa pag papa-ilaw sa mga lansangan sa lungsod.
Inutos ni Belmonte ang expansion ng street lighting program sa lungsod na may 60 percent. Ayon sa ulat ni City Administrator Atty. Paquito Ochoa na may kabuuang 5,934 street lighting facilities sa mga pangunahing lansangan sa lungsod, business at development centers, crime prone areas at barangays ang kanilang napailawan.
Sa kabuuang bilang may 4,942 ang naipatupad ng SB administration at ang nalalabing 992 ay kontrata sa labas.
Inulat pa ni Ochoa kay Belmonte na natapos na nila ang malawakang repair at ng kasalukuyang mga ilaw sa lansangan ng lungsod na may 3,405
Kaugnay nito, target ng city government na maglagay ng may 12,106 na bagong streetlights sa susunod na tatlong taon upang mapunan ang electricity facility requirement sa QC.
Ang city government ay nagbabayad ng average na P33,042,362.12 sa kuryente kada buwan o kabuuang P396,515,545.43 kada taon para sa may 1,053 owned at controlled properties tulad ng mga paaralan, local govern ment offices, health centers, public libraries, palengke, parks at playground, sports complex at street lights. (Angie dela Cruz)