Kuya sinamurai dahil  sa atraso ni bunso

Kritikal sa pagamutan ang isang mister matapos na tubu­sin nito ang atraso ng kanyang bunsong kapatid makaraang abangan at pagtatagain ang una ng samurai ng kanyang kapitbahay, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Kasalukuyang inoobserba­han pa sa Pasay City General Hospital (PCGH) ang biktimang si Joseph Dino, 47, ng Malibay, Pasay sanhi ng mga tina­mong taga sa batok at kanang balikat, habang mabilis namang tuma­kas ang suspect na si Ro­berto Capco ng E. de Guz­man St., Ma­­libay ng naturan ding lungsod.

Batay sa isinagawang im­bes­tigasyon ni PO3 Simon Res­picio, Jr., ng Station Investiga­tion and Detective Management Section (SIDMS) ng Pasay City  Police, matagal na umanong hina-hunting ng suspect ang nakababatang kapatid ng bik­tima na nakilala sa pangalang Noel bunga ng hindi pa nabatid na atraso nito sa suspect.

Dakong alas-7 naman ng gabi kamakalawa nang mati­yem­puhan ng suspect si Dino malapit sa isang basketball gym sa Malibay at tinanong sa bik­tima kung saan matatagpuan ang kanyang kapatid na ma­ta­gal nang may atraso sa kanya.

Nang hindi umano ituro ni Dino ang kinaroroonan ng ka­patid ay sa kanya nabaling ang ngitngit ng suspect kung saan agad nitong hinugot ang dala-dalang samurai at walang ha­bas na pinagtataga ang biktima.

Nang duguang bumulagta sa semento ang biktima ay ma­bilis na tumakas ang suspect at dala ang ginamit na armas at agad namang isinugod  ng mga bystander ang una sa nasabing pagamutan. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments