Patuloy na nagbabanta ang bagyong Karen habang ito ay patuloy sa direksiyon ng Northern Luzon.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), ganap na alas-11 ng umaga kahapon, si Karen ay namataan sa layong 1,130 kilometro (km) ng silangan ng Baler, Aurora.
Taglay nito ang pinakamalakas na hanging 75 km bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso hanggang 90 km bawat oras.
Ngayong Martes, si Karen ay inaasahang nasa layong 650 km ng silangan-timog-silangan ng Tuguegarao City at nasa layong 190 km silangan ng Tuguegarao City sa Miyerkules ng umaga.
Huwebes ng umaga, si Karen ay inaasahang nasa layong 250 km hilaga-hilagang-kanluran ng Laoag City. (Angie dela Cruz)