Tumodas sa holdaper, lagot!

Maaaring masampahan ng kasong kriminal ang ilang mga residente sa Barangay Greater Fairview, Quezon City na  bumugbog, sumak­ sak at nakapatay kay Rustan Lo­rono. Isa si Lorono sa  dala­wang holdaper na nakipag­barilan at nakapatay kay Police Officer 1  Voltaire Ben­hur Busway noong Sabado ng hapon.

Ito ang ipinahiwatig ka­hapon ni Supt. Franklin Moises Mabanag, hepe ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, na nagsabing tinutukoy pa nila kung sinu-sino sa mga kapitbahay ni Busway sa naturang lugar ang nakapatay kay Lorono.

Kinuyog umano at pinag­sasaksak ng mga kapitbahay ni Busway si Lorono makara­ang mapatay nito ang natu­rang pulis.

Nabatid na naunang hina­rap si Busway ni Lo­rono at kasama nitong si  Ramiro Reyes makaraang holdapin ng mga ito ang biktimang si Sitnam Singh.

Pero lumaban at nakipag­barilan si Busway sa mga suspek. Nagawa ni Busway na mapatay si Reyes pero naka­takas si Lorono na ki­nuyog naman ng mga re­sidente sa naturang lugar. (Reinir Padua)

Show comments