Driver grabe sa ‘biro’

Isang 33-anyos na tricycle driver na si Ramil Reyes ang nagtamo ng maraming sugat, pasa at bukol sa katawan at kasalukuyang ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center nang bugbugin ng dalawang kapwa niya tricycle driver

Agad namang naaresto at ipinagharap ng kaukulang kaso ang mga suspek na sina Edgardo Martizano, 29, at kapatid nitong si Michael, 27.

Naghihintay ng pasahero si Reyes nang biglang lapitan ng magkapatid at walang sabi-sabing pinagtulungan siyang  bugbugin ng mga ito.

Nauna rito, pabirong tinawag na ‘buwaya’ ng biktima ang isa sa suspek dahil sa pag-aagawan sa pasahero. Minasama ito ng mga suspek kaya binalikan at binugbog nila ang biktima. (Lordeth Bonilla)

Show comments