Isang babaeng empleyado ng Diamond Towering Services ang inaresto ng pulisya dahil sa tangkang pangongotong umano sa isang motorista sa Malabon City kamakalawa ng gabi.
Nahaharap sa kasong robbery-extortion ang suspek na si Ruby Raguin bagaman pinaghahanap ang kasama niyang dalawang lalaking nakatakas.
Sinabi ng biktimang si Roberto Abad na, dakong alas-10 ng gabi, hinarang siya ng mga suspek na may dalang towing truck sa Lapu-Lapu Avenue, Longos, Malabon habang minamaneho niya ang delivery van ng Mega Fishing Corp.
Kinuha ng mga suspek ang susi at tinang gal ang baterya ng truck at hinihingan siya ng P5,000.
Umalis ang biktima at nagsumbong sa mga pulis at nang balikan ay nagtakbuhan ang mga kasamang lalaki ng suspek. (Lordeth Bonilla)