Tinatayang P15 milyon halaga ng mga pekeng sabon at shampoo at iba pang produktong pampaganda ang nakumpiska ng mga ahente ng National Bureau of Investigation sa isinagawang pagsalakay sa isang bodega at tindahan sa Maynila kamakalawa ng gabi.
Sinabi ni Regional Director Elfren Meneses, chief ng Intellectual property rights division, na ang pagkumpiska sa na turang mga produkto ay base sa reklamo ng Proctor and Gamble at Unilever Philippines dahil sa paglabag sa Intellectual property code of the Philippines.
Kabilang sa mga sinalakay ng NBI ang isang tindahan sa 168 mall at isa pa sa Divisoria Mall samantalang sinalakay din ang isang bodega sa Sto. Cristo, sa Tondo, Maynila at ang limang palapag na bodega sa 2439 Tindalo st. na umanoy pag-aari ng isang Taiwanese national.
Nakumpiska ang mga pekeng Olay, Pantene, Head and Shoulders shampoo, Dove at Jergens soaps, Johnson at iba pang cosmetic products. (Gemma Amargo-Garcia)